Tuesday, July 2, 2019

Reply to my 2014 Self


The following is an email from the past, composed on February 21, 2014. It is being delivered from the past through FutureMe.org

Dear FutureMe,
How are you na? Siguro nasa UP ka pa din! Kamusta ang magiging unang anak mo? Balita ko nagpakasal ka na sa prince charming mo! Si Bes mo ba ang nakatuluyan mo? I just watch Starting Over Again kahapon! 20 February 2014. Kasama mo si Ryze, lumalabas pa rin ba kayo? Ang dami mong narealize sa movie na iyon. Katulad nang reaching for your dreams, moving on and letting go. Siguro naman ngayon payat kana. Napromote ka na din sa current position mo sa UP. Siguro naman ngayon nakalimutan mo na si Chris Baquiran. Alam ko kahit na nag karoon ka nun nang boyfriend sa katauhan ni Jozen eh deep inside you are still wishing na sana bumalik si Coki sa buhay mo. Para ka kasing si Ginny nung kayo ni Coki. Ayaw magpakasal, driven because of her family, too many responsibility and si Coki ay nagiging liability na sayo kasi complacent siya. May pangarap pero ang drive eh mas higit pa din ang sayo. Maybe you grow up fast kaya napag iwanan mo siya. Or maybe, he wanted to have a family soon but you cannot give him that. He loved you but that love wasn't enough to be forever and you know that by now. right? Dahil may nagmahal sayo for what you are. Si Jozen alam ko kung bakit kayo nag break kasi natakot ka. Natakot ka na wala siyang pangarap, na wala siyang drive na magtagumpay, dahil masaya na siyang hihiga higa sa bahay at natakot kang darating ang araw na mapapagod ka kaya umalis ka sa buhay nya. You know you deserve more and alam ko from then on sobra ka nang nahirapan. Right this minute, alam mo sa sarili mong ito na ang sukdulan nang pagiging mataba mo. Alam mo sa sarili mong sa binitawan na linya ni Lito Pimentel na "Oras para buuin muli ang sarili" ito na ang wake up call mo. Alam ko ito na ang nagpilit sayo na kainin ang pesteng pagkamahal mahal na spirulina na itinago mo sa kwarto mo. Ang pag inom mo ng c-lium fiber at pagkain ng sandamakmak na healthy fresh foods. I know naman bakit ka tumaba nang ganyan. You feel betrayed. You feel ugly even if you are pretty that time. You feel happy when you eat. You forget about the world when you do that. But you know deep inside na band aid mo lang lahat to. Kasi sinasabi mo pa din sa sarili kahit ngayon tinatype mo tong letter na to eh "Kahit naman nung pumayat ako I did not feel pretty" pero alam mong kasinungalingan yan because you met Coki and thats because he should be part of your life para naman pag dating nang araw makilala mo ang asawa mo na ngayon. Di ba? Ang saya lang to let go? Ang saya lang na nakilala mo na ang tall and loving husband mo? Kelan nga ba kayo nagkakilala? Kelan nya nga ba narealize na ikaw talaga ang mahal niya? I know right this minute while you are writing this letter eh you are thinking that its better for you to be alone. Pero alam mo din sa sarili mo na mamahalin mo ang magiging panganay mong anak baka nga indi na yan panganay baka pangalawa na yan. Sabi nga ni Marco " I wont lose hope", alam na alam natin na you didnt lose hope when it comes to finding your better half. I know na trinabaho mo yan. Alam ko na nagpakafit and sexy ka because you want to move on. You have let go. You now understand that its just meant to be shattered. Ilang taon na ba nung kayo ni Coki nag hiwalay? 5yrs? from this time? Maybe tama ang ginawa mo sa buong 2014 mo na nagmakeover ka. Tama ang ginawa mo na humakbang ka na kasi from the first step that you have stand up. Alam mo sa sarili mo na ito na ang umpisa ng masayang buhay mo at ito na ang umpisa ng happily ever after mo. Alam ko pinagdasal mo na makita ng lolo at lola mo ang kasal mo. Nakita naman nila diba? Masaya nga sila para sayo kasi kilala nila ang mapapangasawa mo at alam nilang maaalagaan ka nya. This is the first time that they really trusted your guy. Because this time, He is the right guy for you. Right now, maybe hindi pa kayo nagkakainlove-an but there will be changes. I know there will be revelations. Hintay hintay lang pag may time. All the best future self. Smile because everything that transpired between 2014-2019 is all in gods plan. Cheers!


===================================================

Hi 2014 Self,

Im great! Nasa UP pa din ako, pero wala pa akong anak. Ikakasal palang kami ni Jaymark sa 2020 and yes natagpuan ko ang prince charming ko though no, hindi siya si Bes. He is a much greater guy for me, ika mo nga perfect match ko na to. Yes pumayat ako because of health scare and now magpapapayat muli. Nakilala ko si Hubby nun pumayat ako nang 2016. Yes lumalabas pa din kami ni Ryze and Ja. 2 Kids na si Ja, O pa din kami ni Ryze. Tuluyan na akong naka move on kay Coki. Napatawad ko na din sha. Everything happens for a reason. Hindi ko nilamon ang spirulina naexpire ito at si lolo ang umubos nang C-Lium hihihi. And yes, I ate more fresh foods and less fast food. Yes, I feel ugly when I am thin and happy when I eat but right now I share it with my fiance to cut down calories masasabi kong MAS payat naman ako ngayon sa 2014 self ko hehehehe. Yes I have tall and loving husband to be. Siya si kalandian friend, the guy I met kasi nimatch make ako ni Aira at 2009. 2016 nya na realize na try namin and ayun wala na inlababo na talaga si Koya sa akin at ako din naman sa kanya. Yes I did find my better half. Its been 10 yrs since naghiwalay kami ni Coki cguro may pamilya na din un, kalimutan na natin siya.  Yes the family knows my future hubby and father trust him. He is the only guy that my father trust. You know what past self? Nag masteral ako at natapos ko siya. Ang galing noh? And tama ka it was all in gods plan so I do not have to worry :) Tama naman nang slight prediction mo un nga lang personal goal pala ang magagawa ko which is mag aral ulit at love life which is makilala at makasama si the man of my dreams. Nakakatuwa nga eh matangkad talaga siya at mapagmahal sa akin. So far so good and this time indi ako nagsasawa sa kanya bagkus mas gusto ko pa siya lagi kasama. Gumawa ako nang letter to future me 2025. Kaya tignan natin if the fearless foresight is may mga tumama. Ciao!!! Till the next letter!!! God Bless and it is all in god's plan. Cheers!