Monday, April 25, 2011

Minsan.

Kapag ganitong mga panahon na lagi ako nagiisip at nag aalala parang ito ung time na kelangan ko talaga ng bakasyon. Isang bakasyon kung saan mapapahinga talaga ako, yung tipong may magandang dagat tapos nakahiga lang ako sa buhangin at langoy lang ng langoy. Kapag gusto ko na kumain may isang waiter na maghahahain ng pagkain ko. Gusto ko din sumakay ng eroplano para naman mabago ang aking pag tingin sa mundo. Siguro kapag nakasakay ako sa eroplano mas maappreciate ko ang mga ulap at bughaw na kalangitan. Hay, sarap siguro magbakasyon paminsan minsan lang.

No comments: