Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nun nagkasagutan kami. Nung isang gabi nag away na naman kami. Nasabihan na naman ako ng makulit. Alam ko naman eh dahil sa insecurities ko na naman kaya nagkakaganun. Feeling ko kasi lagi shang maagaw ng iba. Alam ko mali ang nararamdaman ko. Alam ko may pagkukulang ako. Siguro marahil dapat bigyan ko ulit ng pagmamahal ang sarili ko.
Sa totoo lang, iniwan ko phone ko kahapon sa bahay namin para wag sha maitext. Ito na din ang way ko para wag sha makulit. Ang nakakatuwang parte dito ay sha naman ang text ng text. Siguro alam nya din ang mga sinabi nya sa akin. Nag usap kami kahapon ng gabi at nakapag paliwanag na sha ng side nya, ako din nakapagpaliwanag na din. Sabi ko na nga ba may sakit sha. Ganun naman sha kapag meron shang dinaramdam. Sabi nya sa akin pasensha na daw kasi masama daw pakiramdam nya tas sumabay pa ako.
Alam ko marami pang times na maiirita sha sa akin dahil sa kakulitan ko at sa kakitidan ko minsan ng utak. Parang kagabi lang nag busy lang ang phone nya nairita na naman ako. Aminado naman ako na selosa ako pero para sa kanya handa na ako magbago.
Ngayon nga kahit gustong gusto ko na sha kulitin pinipigilan ko na sarili ko kasi pano ka mawawalan ng trust sa taong pinapakita sayo na katiwa-tiwala sha? Kaya malamang kelangan ko ulit magbago at mag shift ng paradigm para tumagal at tumino ang relasyon namin.
Mahal ko sha walang pikit mata kong sasabihin sa buong mundo. Bakit? dahil sa simpleng dahilan na kaya nya akong intindihin kahit na minsan ako mismo indi ko maintindihan sarili ko.
No comments:
Post a Comment